panahon nati'y wag sayangin
minsang magdaraan
dala ay 'sang karanasang inaalay sa'yo
abutin natin bituing nagni-ningning
tanging handog ay pag-asang humahamon
diringgin ng langit ang dasal na minsan ay iyong ibinulong
ngunit sinisigaw ng damdamin
pasanin mo'y dala-dala di ka nman nagiisa
o bakit pa ngyn ka luluha
ipagdiwang ang paglipas ng unos
hayaan bang lunurin ng kahapon
ang bawat sandaling hiram
na lulan ang lahat ng 'yong pagdaramdam
minsan darating ang araw
at bubuhos ang ulan
tingin mo sa kalawakan
ay naglalaro lamang
minsan darating ang araw
at bubuhos ang ulan
mga tanong mo sa isipan
ay maglalaro lamang.
____________________________________________
"Panahon" by L.K. Sison
Philippine Copyrights 2008 by L.K. Sison. All rights Reserved.
Thursday, August 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment